Mga makukulay na Bag
04/03/2009 at 7:43 pm | In Litratong Pinoy | 23 CommentsTags: bags
Mahilig akong magkolek ng bag. At mas trip ko kung maibibigay sa akin ng libre!
Tulad na lang nitong berdeng picnic bag na bigay sa akin ng aking biyenang babae. Natuwa ako sa kulay at desenyo nito, di ba medyo “funky?” Hindi pa namin nagamit ito, malamang pagsapit ng tag-araw kung pwede na kaming magbilad sa ilalim ng puno sa isang parke. Mga ilang buwan pa ang aming hihintayin; maaraw ngayon ngunit napakalamig pa rin.
Ang bag namang ito ay bigay sa akin ng aking mister. Sapagkat siya ay isang kartonista/animator, madalas siyang maabutan sa pinagtatrabahuhan niyang produksiyon. Hindi pa rin gamit ito; mga dalawang taon na sigurong nakaistambay sa tukador, alanganin ko kasing gamitin e (obvious ba?). Sayang at wala akong anak na babae… Tingin ko, naghihintay lang ito na maipamigay ulit he he.
At siempre, galing din ito kay mister.
Pero buti eto at may pakinabang!
Lalagyan siya ng aking mga materyales sa pagni knitting, panggantsilyo, at pagco-cross stitch at iba pang needlecraft, na aking hobby maliban sa pag ba blog.
Yun lang po, hanggang sa muling pagkikita kits
hsmshs: Contemplate
04/03/2009 at 2:43 pm | In cheeky monkeys, hsmshs | 4 Comments
This is my 7 year old son contemplating.
Or maybe just having a tantrum.
More thought provoking pictures here.
Bathe
02/03/2009 at 1:55 pm | In animal farm, hsmshs | 3 CommentsIt’s been some time since I posted a pic for a hsmshs prompt, and the truth is, I’ve got no good pics to show.
I’ve been dying to show this one.
Taken on what is probably the hottest day of the summer last year, we went to a nearby animal farm for a day out.
And because it was so hot, this rather large pig just have to wallow/bathe in a puddle. Lucky pig (while we stood under a tree to keep ourselves cool)!
You can find even more bathe pics here
Bulaklak
26/02/2009 at 2:19 pm | In Litratong Pinoy, garden talk | 16 Comments
Absent ako nung nakaraang LP, ngayon naman late he he… Naistorbo kasi ng mga Desperadong Maybahay kagabi, sagabal talaga ang telebisyon sa pagbablog!
Eniwey, mabalik tayo sa bulaklak na snowdrop na makatanim sa harap ng aming tahanan.
Ang mga unang malabong at matingkad na sibol ng snowdrop ay nagpapaalala na ang “winter” ay malapit nang matapos. Samakatuwid, eto rin ay nagpapaalala na ang “spring” ay malapit nang dumating. Ang “spring” kasi ang aking paboritong season
Noong mga nakaraang mga taon malusog at malalaki ang mga bulaklak nya; ngayon… parang lumiit. Ang lagay e, medyo matanda na rin siguro ang halamang ito kaya siguro mabagal na ang kanyang paglaki.
Ganoon pa man, kapansin pansin pa rin ang kanyang kagandahan dahil siya’y animo sampagita.
Kung gusto nyo pa ng ibang inpormasyon tungkol sa snowdrops, igoogle nyo
(because I iz lazeee).
Blog at WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.














